| Home | Register | FAQ | About Us | Contact Us |  
Thursday, February 23, 2012   
  Frequently Asked Questions (FAQs):
  1. Ano ang Globe Kababayan?
  2. Anu-ano ang mga serbisyong handog ng Globe Kababayan?
  3. Ano ang good news na dala ng International AutoloadMAX?
  4. Saan available ang International AutoloadMAX?
  5. Ano ang good news na dala ng International Share-a-load?
  6. Paano mag International Share-a-load sa Japan?
  7. Paano mag International Share-a-load sa Hongkong?
  8. Ano ang good news na dala ng G-Cash International Remittance via text?
  9. Saan available ang G-Cash International Remittance via text?
  10. Ano ang good news na dala ng Quick Remit & Load?
  11. Saan available ang Quick Remit & Load?
  12. Paano ma-avail ang mga Globe Kababayan services?
  1. Ano ang Globe Kababayan?
    Ang Globe Kababayan ang tanging taga-paghandog ng isang mundong serbisyo para sa OFWs at kanilang mga minamahal sa Pilipinas. Naiintindihan ng Globe Kababayan ang kanilang mga pangangailangan kaya naman inihahandog nito ang iba’t-ibang serbisyong pang-reload at pang-remittance – upang mas maging magaang ang paghihiwalay. Nasa ibang bansa man ang inyong mga kapamilya, parang parati silang nandyan para sa inyo.
    Go Top

  2. Anu-ano ang mga serbisyong handog ng Globe Kababayan?
    Ang Globe Kababayan ay may cross-border reload at remittance services. Ang mga services na ito ay:

      A. Cross-border reload services
        1. International AutoloadMAX
        2. International Share-a-load

      B. Cross-border remittance services
        1. G-Cash Remittance Services
        2. Quick Remit and Load
    Go Top

  3. Ano ang good news na dala ng International AutoloadMAX?
    Sa International AutoloadMAX ng Globe maaring nang mag-SEND ng load credits ang inyong mga kamag-anak mula sa abroad patungo/diretso sa inyong mga cellphones dito sa Pilipinas. Kinakailangan lang nilang pumunta sa mga accredited retail outlets, sabihin kung magkano ang load credits na gusto nilang i-send, ibigay ang Globe o Touch Mobile cellphone number nyo (recipient) at magbayad. Kaagad-agad matatanggap nyo (recipients) ang load na ipina-send nila. Maari silang mag-send ng P 150, P 300, P 500 and P 1,000 load credits.

    Makakatanggap kayo ng text advisory na mayroon kayong natanggap na load credits at isang personalized message mula sa inyong kapamilya sa abroad.

    Sample Personalized Message:
    Jhun-jhun, heto na ang load ha. O hwag mong uubusin sa kaka-text sa GF mo. Mag-aral kang mabuti!
    Go Top

  4. Saan available ang International AutoloadMAX?
    Availability ito sa Hongkong, Singapore, Taiwan, Japan, Saipan, Guam, USA, Canada, UK
    Go Top

  5. Ano ang good news na dala ng International Share-a-load?
    Nasa Japan man o Hongkong ang inyong mga kamag-anak, maari na silang mag-SHARE ng load credits mula sa kanilang cellphone patungo/diretso sa inyong cellphone sa Pilipinas.
    Go Top

  6. Paano mag International Share-a-load sa Japan?
    Kung nasa Japan sila, kinakailangan lamang na naka- ACCESS PLUS CARD* sila at maari na silang mag-SHARE ng P 150, P 300, P 500 hanggang P 1,000 LOAD CREDITS mula sa kanilang cellphone o keitai patungo/diretso sa inyong Globe o Touch Mobile cellphone dito sa Pilipinas.

    Ilang segundo lang mula sa kanilang pag-SHARE-A-LOAD sa Japan, makatanggap kayo ng text confirmation sa inyong Globe o Touch Mobile cellphone!

    Sample text from Abroad:
    From 2808 You just received P 500 worth of credits from Japan by 0123456789. Thank you for using Share-A-Load! Trace # 2884289
    Go Top

  7. Paano mag International Share-a-load sa Hongkong?
    Kung nasa Hongkong naman ang inyong mga kamag-anak, pwede din kayong magpa-SHARE-A-LOAD sa kanila. Basta miyembro sila ng Barkadahan sa SmartTone**, pwede na nila kayong i-SHARE-A-LOAD ng P 150, P 300 o P 500 Globe o Touch Mobile credits.

    Ilang segundo lang, may text confirmation na ipapadala sa inyong Globe o Touch Mobile cellphone dito sa Pilipinas.

    Sample Text from Abroad:
    From 2808: You just received Php 300 worth of credits from Susan of Hongkong! Thank you for using Share-A-Load! Trace no. 123456789
    Go Top

  8. Ano ang good news na dala ng G-Cash International Remittance via text?
    Maari nang mag-SEND ng cash remittance ang inyong mga kamag-anak sa abroad VIA TEXT diretso sa inyong Globe Handyphone o Touch Mobile cellphone dito sa Pilipinas!

    Kailangan lang pumunta ang inyong mga kamag-anak sa pinakamalapit na authorized international G-Cash outlet para maipagpalit ang kanilang pera into G-Cash. Pagkatapos ay ise-send na ng authorized outlet ang G-Cash sa inyong Globe o Touch Mobile cellphone. Maari nila kayong padalhan ng hanggang P 10,000 worth of G-Cash sa isang transaction. . Ilang segundo lang ay matatanggap nyo na ang G-Cash sa inyong cellphone dito sa Pilipinas.

    Kapag natanggap nyo na ang text confirmation na pinadalan kayo ng G-Cash, maaari nyo nang ipagpalit ang G-Cash sa actual na money sa Globe Business Centers at partner outlets tulad ng Cebuana Lhuiller, LBC, Tambunting, etc.

    Maari nyo ring gamit ang G-Cash pambayad sa partner establishments tulad ng National Bookstore, Mercury Drug, Jollibee Delivery – via text!

    At maari nyo ring i-transfer ang G-Cash sa ibang miyembro ng pamilya –via text!

    Para ma-enjoy nyo ang G-Cash, kailangan nyo munang mag register. I-text lang ang G-Cash to 2282
    Go Top

  9. Saan available ang G-Cash International Remittance via text?
    Available ito sa Hongkong, UK, Canada Australia and Singapore
    Go Top

  10. Ano ang good news na dala ng Quick Remit & Load?
    Ito na ang pinakabagong paraan ng pag-receive ng CASH at CELLPHONE credits mula sa inyong mga kamag-anak sa abroad – ALL IN ONE SERVICE.

    Sa pamamagitan ng Quick Remit & Load ng Globe Kababayan, maari nang makapagpadala ang inyong mga kamag-anak sa abroad ng P 1,050, P 3,050, P 5,050 na INSTANT G-Cash remittance VIA TEXT diretso sa Globe o Touch Mobile cellphones ninyo sa Pilipinas. At maliban sa INSTANT G-Cash Remittance, may kasama ding P 150 load credits.

    Kailangan lang nilang bumili ng QUICK REMIT & LOAD CARDS sa mga authorized retail outlets sa abroad. Gamit ang kanilang cellphone, sundin ang SIMPLENG instructions sa likod ng card. Ilang saglit lang ay matatanggap nyo na ang INSTANT G-CASH at LOAD Credits text confirmation na may personalized message pa.

    Sa Quick Remit & Load, mas madali na at convenient na ang pag-send ng G-Cash Remittance and Load credits mula sa abroad patungo sa Pilipinas.

    Kapag natanggap nyo (recipient) na ang text confirmation, maari nyo nang ipagpalit ang G-Cash Remittance into actual money, ipambayad sa mga partner establishments via text or i-transfer sa ibang kamag-anak na naka-Globe o Touch Mobile.
    Go Top

  11. Saan available ang Quick Remit & Load?
    Hongkong, Singapore, Taiwan, UK and coming soon in Italy and USA
    Go Top

  12. Paano ma-avail ang mga Globe Kababayan services?
    Ma-eenjoy ang Globe Kababayan benefits kung ikaw ay Globe Handyphone or Touch Mobile subscriber. Kaya kung hindi pa kayo naka-Globe o Touch Mobile, pumunta na kayo sa pinakamalapit na Globe Business Center at selling booths nationwide. Mag-Globe Handyphone at Touch Mobile na!
    Go Top